Matapos talunin ni Ruth Joy O. Vinuya, mag-aaral ng grade 3 ng Ilagan South Central School, Lungsod ng Ilagan at ang pinakabatang manlalaro ng chess pambabae sa elementarya ang tatlong nakalaro ay papasok na siya sa finals bukas sa isinasagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) na ginaganap sa Cabarroguis, Quirino nitong Pebrero 26.
Napag-alaman kay Vinuya na sa kanyang unang laro ay nakaharap niya ang kasamang si Mary Ann Monteclaro at tinalo ito.
Nang sumunod na laban niya ay nakaharap niya ang isang grade 6 ng Dibisyon ng Nueva Vizcaya at pinagwagian ang laban dahil sa maling galaw ng kanyang kalaban.
Dahil sa pagkakapanalo niya sa Nueva Vizcaya ay sumunod na nakaharap niya ang isang grade 6 na manlalaro ng Lungsod ng Tuguegarao at dahil sa maling galaw na naman ng kanyang katunggali ay napagwagian niya ang kanyang pangatlong laban.
Binanggit ng kanyang tagasanay na si Gng. Fe Lizarte na dahil sa tatlong sunod na panalo ay pasok na siya sa finals at hindi pa alam kung sino ang makatatapat niya na wala pang talo.
“Kung sila ay mga maglalaro, mag-ingat at magfocus sa laban para matalo ang kalaban at pag-ingatan ang mga galaw para manalo,” payo pa ni Vinuya sa mga batang manlalarong katulad niya.
Samantala, napagwagian naman ni Mary Ann Monteclaro, mag-aaral ng Ilagan East Central School ang laban niya sa Nueva Vizcaya. (MLCA)
No comments:
Post a Comment