Thank you for visiting our site. Don't forget to leave a comment.

Wednesday, February 26, 2014

Mga technical, officiating official ng CaVRAA, hinamon ni OIC RD Tayaban


Upang mapanatiling malinis at maayos ang isasagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA), hinamon ni Officer In-charge Regional Director  Sebastian Tayaban ng DepEd Rehiyon 02 ang mga technical, officiating official  at mga kots  na  maging patas sa kanilang  pagdedesisyon sa kanilang  tungkuling  susumpaan sa naturang palaro.

Ayon kay OIC-RD Tayaban, kailangang maging patas sa pagbibigay ng desisyon ang lahat ng mga officiating official dahil ang mga kots at mga atleta ay umaasa sa malinis na laro.
“I’m expecting that officials  will be fair and just in officiating the game,” paliwanag pa niya.
Binanggit din niya na ang mga kots ay mga modelo ng kanilang mga atleta sa katapatan at integridad na dapat ay makita sa kanila. (MLCA)

No comments:

Post a Comment