Thank you for visiting our site. Don't forget to leave a comment.

Monday, February 24, 2014

Solidarity meeting isinagawa

Saguday, Quirino - Matagumpay na isinagawa ang solidarity meeting ng mga technical at officiating official bilang panimulang gawain sa isasagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) na ginanap sa Quirino Sports Complex, Cabarroguis, Quirino nitong hapon ng Pebrero 24, 2014.

Pinangunahan  ni Dr. Joselito Narag Jr., ang physical education school sports chief ng DepEd Rehiyon 02 ang naturang pagtitipon at kanyang tinalakay ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagsasagawa ng CaVRAA 2014.    

Pinaalala pa ni Dr. Narag ang mga tungkuling gagampanan ng mga officiating official, technical official at mga kots na magsisilbing mga modelo ng mga batang manlalaro ng Rehiyon 02.

Matapos ang solidarity meeting ay isinagawa agad ang hiwa-hiwalay na sesyon para sa iba’t ibang laro na pinamunuan ng mga tournament manager at pinag-usapan ang mga alituntunin ng laro at kung ano ang  pagbabago  batay sa pagsasang-ayunan ng mga kots ng iba’t ibang dibisyon ng Rehiyon 02.

Isinagawa na rin ang bunutan sa kung sino ang kanilang makakalaro sa mga laro na kanilang pinagsanayan.

Napag-alamang isasagawa ang parada bukas  ng ika-7 ng umaga habang ang ibang mga laro ay magsisimula na. (MLCA)

No comments:

Post a Comment