Thank you for visiting our site. Don't forget to leave a comment.

Saturday, March 1, 2014

Jeao

Tahimik. Responsable. Marunong. Matulungin. Ilan lamang ito sa mga katangiang taglay ng isang Jose Avelino C. Diaz, na kilala sa tawag na Jeao at  bunsong anak nina Mayor Jose Mari L. Diaz ng Lungsod ng Ilagan at Evelyn C. Diaz na kapwa naninilbihan sa bayan.

Si  Jeao ay isang simpleng anak at hindi mo mapagkakamalang anak ng mga kilalang tao sa Lungsod ng Ilagan. Katulad ng mga kuya niyang sina Jay Eveson at Kuya Evyn Jay ay naging kilala na rin siya sa larangan ng politika at isports.

Sa paaralang Isabela National High School ng Lungsod ng Ilagan ay ibinotong  pangulo ng Supreme Student Government (SSG) si Jeao. Pangulo rin siya ng SSG ng City Division ng Ilagan at pangalawang pangulo pa siya ng SSG ng Rehiyon 02. Nahalal din siyang pangulo ng Ilagan Student Council Aliance. Katulad ng kanyang mga magulang ay nagsisilbi na rin siya sa mga kapwa niya mag-aaral sa kanyang murang edad.

Batay sa pag-iinterbyu ko kay Jeao, grade 1 pa lang daw siya  ay nakikita niya nang naglalaro ang mga kuya niya kasama ang mga klasmeyt nila. Naging hobby na raw niya ang maglaro ng basketbol. 
Napag-alaman ko rin sa kanya na ang kanyang amang si Mayor Jay ay manlalaro ng beysbol at napili rin daw  siyang maglaro sa Palarong Pambansa pero hindi pumayag ang kanyang ina. 

Ang mga kuya niyang sina  Jay Eveson ay manlalaro ng basketbol na umabot sa CaVRAA at  Kuya Evyn Jay ay basketbolista rin ngunit  umabot lang siya sa Palarong Panlalawigan. Kaya’t hindi kataka-taka na si Jeao ay mapasama rin sa magkakapatid na basketbolista. Dahil sa naging hilig niya ang pagbabasketbol, naglaro na siya noong siya ay nasa pangalawa hanggang ikatlong  taon sa hayskul at umabot siya sa Palarong Panlalawigan. Ngayong nasa ikaapat na taon na siya ay natupad na ang pangarap niyang maglaro sa CaVRAA bilang point guard ng team. 

Nakatulong pa sa pagiging basketbolista niya ang pagsasanay . Noong nasa unang taon  siya, tuwing Sabado ay nakikilaro siya sa mga NCAA at UAAP player. Sila’y mga taga-Ilagan na tuwing umaga at hapon ng Sabado at Linggo ay nagsasanay sila sa larong basketbol. Tuwing bakasyon ay lagi siyang nasa Ilagan Sports Complex para magpraktis.

Namangha  naman ako sa sagot niya sa akin nang tanungin ko kung nagdodota siya. Sinabi niyang hindi niya  alam ang larong dota at tanging ginagawa niya ay mag-facebook, mag-tweeter at mag-instagram. Hindi katulad ng ibang mga bata na kapag nahilig sa pagdodota ay hindi na pumapasok sa kanilang mga klase.

Nakita ko rin sa kanya ang dedikasyon bilang atleta dahil sa kung ano ang regulasyong ipinatutupad ay kanyang sinusunod. Hinuhugasan niya ang mga pinggan, kutsara at basong ginagamit niya pag kumakain. Naglalaba rin siya ng mga damit niya habang nasa CaVRAA. Naranasan na rin niyang matulog sa loob ng paaralan nung treyning at CaVRAA na.

Dahil sa magandang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya, nakikita na ito kanyang mga  galaw. Nagsisilbi sila sa mga tao na ginagawa na rin niya. Nakikisalamuha sa mga tao ang daddy at mommy niya na ginagawa na rin niya sa ngayon. Hindi rin daw siya sinusundan ng mga magulang niya katulad ng nagdaang treyning at CaVRAA dahil gusto nilang matuto siya sa totoong buhay sa labas ng bahay nila. Ang mga karanasan niya sa CaVRAA ay madadala niya sa kolehiyo katulad ng paglalaba, pag-iisa at pagsasakripisyo sa pag-aaral. Binabalanse rin daw niya ang pag-aaral, pagiging politiko sa paaralan at pagiging atleta.

Naantig ang puso ko sa sinabi niyang “Hindi po dapat namin iparamdam at ipakita na kami ay anak ng mayor dahil pag ginawa po namin  ito ay nakahihiya sa mga tao dahil ang mga tao kasi ang nagdala sa daddy namin  sa kung ano po ang puwesto niya ngayon.”

“Work hard katulad ni Manny  Pacquiao. Galing siya sa mahirap na pamilya pero dahil sa pagsisikap niya sa paglalaro ay naabot niya ang tagumpay at mayaman na siya ngayon,” dagdag pa niya.

No comments:

Post a Comment