Apat ang karagdagang laro ang isasama sa susunod na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA).
Ito ang balitang ipinahayag ni Dr. Joselito Narag, hepe ng physical education school sports ng Rehiyon 02 sa isinagawang Solidarity Meeting na dinaluhan ng mga technical at officiating official na ginanap sa Quirino Sports Complex, Cabarroguis, Quirino nitong Pebrero 24, 2014.
Ayon pa kay Dr. Narag, idaragdag sa susunod na CaVRAA ang mga larong biliiard, wushu, wrestling at futsal.
Nabatid pa sa kanya na bukas ito sa mga manlalaro na magmumula sa iba’t ibang dibisyon ng Rehiyon 02 at dederetso agad sa Palarong Pambansa.
Ipinaliwanag pa niya na magpapadala ang rehiyon ng mga gurong magsasanay para sa mga larong nabamggit para magturo sa mga nasabing laro.
“Kung sino ang dibisyon na magkakaroon ng mga manlalaro sa apat na larong isasama na sa CaVRAA, sabihan lang ninyo kami at titingnan namin kung maaaring mag-eksibisyon sa Palarong Pambansa,” dagdag pa niya.
No comments:
Post a Comment