Thank you for visiting our site. Don't forget to leave a comment.

Monday, February 24, 2014

Pinakabatang manlalaro ng chess

        Kung sa Pilipinas ay kilala sina Eugene Torre, Mike Paragua at Wesley So sa larangan ng larong chess, sa Lungsod ng Ilagan ay may batang nasa baitang tatlo na kabilang na sa delegasyon  sa katauhan ni Ruth Joy O. Vinuya na nag-aral sa Ilagan South Central School.
Habang kinakausap ko si Joy ay natutuwa akong pagmasdan siya dahil sa nakabibilib na galing sa larangan ng larong chess sa gulang na walo. Sa simula ay tila nahihiya siya dahil sa iinterbyuhin ko siya. Di nagtagal ay lumabas na ang pagiging madaldal niya.

Lalo akong namangha nang malaman ko sa kanya na noong nakaraang taon ay nagsimula na siyang makapasok sa Cagayan Valley Athletic Association o CaVARAA matapos niyang manalo ng pangalawang puwesto  sa Palarong Panlalawigan ng Isabela. Pinalad siyang manalo sa CaVRAA ng unang puwesto na naging daan para makapasok siya sa Palarong Pambansa na ginanap sa Lungsod ng Dumaguete noong nakaraang taon..

Nahiya siyang sabihin sa akin na hindi siya nanalo sa palarong panlalawigan subalit natutuwa naman siyang sabihin na pinarangalan siya bilang pinakabatang atleta sa buong Pilipinas na kasali sa naturang pambansang palaro.

“Si Papa Manuel ko po ang nagturo sa akin sa paglalaro ng chess,” pagyayabang na sinabi ni Joy. Nasa unang baitang daw siya nang inilaban na siya ng kanyang ama sa Municipal Meet ng Ilagan. Nakamit niya ang pangatlong gantimpala.

Ayon naman sa kanyang tagasanay na si Gng. Fe Lizarte, lagi ko siyang sinasabihan na magfocus sa laro niya. Masunurin siyang bata at kapag sinasabihan kong magpraktis iyong kasama niya at hindi sumusunod, siya ang magsasabing ako na lang po Mam.

“Matapang siya lalo na sa mga kalaban niya. Sinisigurado niyang tatalunin ang mga ito. Alam niya ang kanyang ginagawa kaya kampante na ako pag lumalaban na siya,” dagdag pa ni Mam Fe.
Payo ni Joy sa mga batang katulad niya na galingan at magfocus sa larong gusto nila. Gawin ang lahat ng makakaya para maging sikat na isang manlalaro.
“Pangarap kong mag-second lang kasi kung sasabihin kong first, baka sabihin nilang mayabang po ako,” paliwanag pa ni Joy. (MLCA)

No comments:

Post a Comment