Thank you for visiting our site. Don't forget to leave a comment.

Friday, March 7, 2014

Teachers' big bulky bags: the secrets revealed

      Ever wonder what's inside those big bulky bags teachers carry everyday? 

     Teaching is considered the noblest profession because of the responsibility that teachers shoulder in shaping the future of our country. They work hard, they do multiple tasks,  they attend to every need of the students and the list goes on. Could this be the reason why they carry with them unfashionably huge bags everyday? 

   I used to describe most public school teachers as "walking Christmas Trees." My high school teacher, for example always carries with her a shoulder bag, a tote bag and sometimes big plastic bags that make walking really hard for her especially during rush hours and even distorting her figure. That is why teachers often land in the list of unfashionably dressed professionals and are mistakenly tagged as "workaholics."

     My curiousity got stirred when I was lining up in a long queue of teachers to punch out after a gruelling day in school. I can't help but notice the colorful bags each teacher carries. So I decided to ask them their reasons for sporting huge bulky bags in school and what's inside them. And here's what I found out.

1. Definitely not for fashion sake.
      Most teachers do not carry huge bags to accesorize their #ootd or outfilt of the day. The choice of big bags over smaller ones is due to the fact that teachers bring with them papers, books, colorful pens, gadgets, and other classroom materials. Eight hours of school time is not even enough to finish all paper works. Responsible teachers bring these papers home to catch the deadlines set by their heads. Impressive!

2. Business as usual.
     Teachers are naturally gifted with entrepreneurial skills. Most teachers love to engage themselves in businesses ranging from home-made pulvoron to dealership. This activity is being discouraged as it is perceived to be unprofessional and believed to be meddling with the teachers' primary task, that is to teach. Hence, these enormously big bags are definitely doing the trick for them. If it is prohibited, then hide it! So what is inside the bags of these business-minded teachers? Brochures, goodies, and ledgers.

3. Just in case.
      Life is full of surprises! One has to be ready all the time. Teachers get variety of invitations especially after office hours. Birthdays, christening, all sorts of anniversaries, funerals, house blessings, fiestas, and so on.. In times like these, you definitely need a big bag! You know what I mean. 

4. Responsible Parenthood.
     School is an extension of one's home, and so is the role of a teacher. Most teachers can't just ditch their role as parents to their own children. During breaks, they attend to the needs of their own child, who in most cases is also enrolled in the school where they work or nearby. So what's inside their bags? Snacks, lunch and extra shirts for their kids. Roving cabinet and storage!

5. Survival Kit.
     Some teachers do not manage their finances well. A number of them run to lending companies when they are in dire need of financial help. Their big bags become a survival kit containing loan forms and other requirements...and yeah, make-up kits, too. 

6. Rescue 911.
     Teachers are known to have a good heart for the needy. They are always ready to make sacrifices for their students and for the community. A teacher-friend who is deployed in a barrio school told me that parents usually run to her to sell live chicken, banana, rice, and all sorts of farm produce especially in cases of emergencies (sickness, food to name a few). No is never an option to the ones in need. Teachers always to the rescue! So what's in their bags? Well, their BIG HEARTS!! 

    The bags that teachers carry with them everyday are not only those that we see. Teachers also carry an invisible bag loaded with their pride, passion, sacrifices and commitment. 

     I know you also carry your own "bag", do you have the right reason for carrying them?

    (Albert G. Calibo)


The content of this article is a product of the author's experience, observation, and random interviews. It is not meant to degrade the teaching profession. 

Saturday, March 1, 2014

Jeao

Tahimik. Responsable. Marunong. Matulungin. Ilan lamang ito sa mga katangiang taglay ng isang Jose Avelino C. Diaz, na kilala sa tawag na Jeao at  bunsong anak nina Mayor Jose Mari L. Diaz ng Lungsod ng Ilagan at Evelyn C. Diaz na kapwa naninilbihan sa bayan.

Si  Jeao ay isang simpleng anak at hindi mo mapagkakamalang anak ng mga kilalang tao sa Lungsod ng Ilagan. Katulad ng mga kuya niyang sina Jay Eveson at Kuya Evyn Jay ay naging kilala na rin siya sa larangan ng politika at isports.

Sa paaralang Isabela National High School ng Lungsod ng Ilagan ay ibinotong  pangulo ng Supreme Student Government (SSG) si Jeao. Pangulo rin siya ng SSG ng City Division ng Ilagan at pangalawang pangulo pa siya ng SSG ng Rehiyon 02. Nahalal din siyang pangulo ng Ilagan Student Council Aliance. Katulad ng kanyang mga magulang ay nagsisilbi na rin siya sa mga kapwa niya mag-aaral sa kanyang murang edad.

Batay sa pag-iinterbyu ko kay Jeao, grade 1 pa lang daw siya  ay nakikita niya nang naglalaro ang mga kuya niya kasama ang mga klasmeyt nila. Naging hobby na raw niya ang maglaro ng basketbol. 
Napag-alaman ko rin sa kanya na ang kanyang amang si Mayor Jay ay manlalaro ng beysbol at napili rin daw  siyang maglaro sa Palarong Pambansa pero hindi pumayag ang kanyang ina. 

Ang mga kuya niyang sina  Jay Eveson ay manlalaro ng basketbol na umabot sa CaVRAA at  Kuya Evyn Jay ay basketbolista rin ngunit  umabot lang siya sa Palarong Panlalawigan. Kaya’t hindi kataka-taka na si Jeao ay mapasama rin sa magkakapatid na basketbolista. Dahil sa naging hilig niya ang pagbabasketbol, naglaro na siya noong siya ay nasa pangalawa hanggang ikatlong  taon sa hayskul at umabot siya sa Palarong Panlalawigan. Ngayong nasa ikaapat na taon na siya ay natupad na ang pangarap niyang maglaro sa CaVRAA bilang point guard ng team. 

Nakatulong pa sa pagiging basketbolista niya ang pagsasanay . Noong nasa unang taon  siya, tuwing Sabado ay nakikilaro siya sa mga NCAA at UAAP player. Sila’y mga taga-Ilagan na tuwing umaga at hapon ng Sabado at Linggo ay nagsasanay sila sa larong basketbol. Tuwing bakasyon ay lagi siyang nasa Ilagan Sports Complex para magpraktis.

Namangha  naman ako sa sagot niya sa akin nang tanungin ko kung nagdodota siya. Sinabi niyang hindi niya  alam ang larong dota at tanging ginagawa niya ay mag-facebook, mag-tweeter at mag-instagram. Hindi katulad ng ibang mga bata na kapag nahilig sa pagdodota ay hindi na pumapasok sa kanilang mga klase.

Nakita ko rin sa kanya ang dedikasyon bilang atleta dahil sa kung ano ang regulasyong ipinatutupad ay kanyang sinusunod. Hinuhugasan niya ang mga pinggan, kutsara at basong ginagamit niya pag kumakain. Naglalaba rin siya ng mga damit niya habang nasa CaVRAA. Naranasan na rin niyang matulog sa loob ng paaralan nung treyning at CaVRAA na.

Dahil sa magandang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya, nakikita na ito kanyang mga  galaw. Nagsisilbi sila sa mga tao na ginagawa na rin niya. Nakikisalamuha sa mga tao ang daddy at mommy niya na ginagawa na rin niya sa ngayon. Hindi rin daw siya sinusundan ng mga magulang niya katulad ng nagdaang treyning at CaVRAA dahil gusto nilang matuto siya sa totoong buhay sa labas ng bahay nila. Ang mga karanasan niya sa CaVRAA ay madadala niya sa kolehiyo katulad ng paglalaba, pag-iisa at pagsasakripisyo sa pag-aaral. Binabalanse rin daw niya ang pag-aaral, pagiging politiko sa paaralan at pagiging atleta.

Naantig ang puso ko sa sinabi niyang “Hindi po dapat namin iparamdam at ipakita na kami ay anak ng mayor dahil pag ginawa po namin  ito ay nakahihiya sa mga tao dahil ang mga tao kasi ang nagdala sa daddy namin  sa kung ano po ang puwesto niya ngayon.”

“Work hard katulad ni Manny  Pacquiao. Galing siya sa mahirap na pamilya pero dahil sa pagsisikap niya sa paglalaro ay naabot niya ang tagumpay at mayaman na siya ngayon,” dagdag pa niya.

Si Albert at ako

Kung may naririnig tayong tinatawag na “partner’s  in crime,” sa isinagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) ay may magpartnert not in crime kundi sa pagkuha ng mga larawan at pagkuha ng mga datos at paggawa ng mga artikulo para sa Ilagan City Division blog site. Nasa likod ng mga artikulo ang mga pangalang Albert at Malou na hindi nawalan ng pag-asa para magawa ang mga responsibilidad na nabanggit.

Sa unang araw ng pagreport ko sa Saguday, Quirino partikular sa Saguday Central School ay magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko dahil sa hindi ko alam kung ano talaga ang papel na gagampanan ko sa Dibisyon ng Lungsod ng Ilagan. Dati’y nasanay ako na kamera at konting sulat ang trabaho, na sa taong ito ay nakiramdam muna ako sa aking bagong  asaynment.

Kasama ko si Sir Albert Calibo sa documentation Committee at ipinaliwanag sa akin na magdodocument ako sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan. Si G. Philip Rasdas naman ang nagtext na ipost sa aking facebook account at lagyan ng konting impormasyon at huwag kalilimutang ilagay  ang hashtag na #WinIlaganCaVRAA2014.

Noong una’y parang nahihiya pa akong magtrabaho hanggang sa nasimulan at nagtuluy-tuloy na ang pagbibigay ng info sa aking fb account. Binanggit sa akin ni Sir Albert na gumagawa siya ng blogsite at doon na kami magsesend ng mga articles namin. Dahil sa high-tech ang kasama kong si Albert na may gadget na ipad  at laging may load ang kanyang wifi, nagulat ako dahil madali ang pagsesend ng mga artikulo lalo na sa kanya. Habang nanonood kami ng laro ay nagtratrabaho na siya sa kanyang mga artikulo at magugulat ka na lang  na nababasa na ng mga kaibigan namin ang mga artikulo at ang nakagugulat nito ay marami sa labas ng bansa ang nakababasa ng aming blog site. 

Sasabihin kong hindi madali ang work ko kasi nagpipicture ako ng mga kaganapan sa CaVRAA tapos mag-iinterbyu pag uwi sa quarter namin. Hindi doon nagtatapos ang trabaho dahil pag uwi ko sa rum namin ay mag-uupload pa  ako ng mga piktyur ko saka mag-eenkod na ng mag artikulo batay sa mga impormasyon na nakalap ko sa mga atletang kinapanayam ko.

Humihinto lang ako sa pagtitipa ng aking laptop pag masakit na ang ulo ko at magugulat na lang ako dahil alas dose na ng hating gabi. SI Albert naman ay nakahiga na at nakakulong na sa kanyang mahiwagang kulambo habang buhay na buhay ang kanyang ipad sa paggawa ng kanyang artikulo. 

Makatulog man siya ay gigising at gigising para makagawa na naman ng panibagong isesend sa aming blogsite.

Ang nakatutuwa ay kapag nakikita niya ang bilang ng mga bumabasa sa aming mga artikulo sa blog namin at ipinakikita niya sa akin kung tagasaan ang mga mambabasa namin. Natuwa ako nang makita kong maliban sa mga mambabasa namin sa Pilipinas ay marami na kaming mambabasa sa labas ng bansa.

Lalo kaming ginanahan sa pagsusulat kaya’t  kapag may artikulo kaming nagagawa, para kaming mga batang  nagpapaligsahan at tinitingnan kung kaninong artikulo ang may pinakamaraming nagbasa sa araw na iyon.   Natuwa naman ako nang ipinakita niyang yung artikulo kong “Bombay sa loob ng balibol kort”  ang nag top views at hanggang sa araw na ito ay ‘yun pa rin ang may mataas na nabasang artikulo.

Nakatutuwang sa bilis tumakbo ng mga mananakbo ng Ilagan City ay mas mabilis pang magsend at magpost si Albert ng mga artikulo sa aming blogsite kaya napag-iwanan na ako sa dami ng mga artikulo dahil kagabi ay napagod ako sa maghapong pagkababad sa araw habang nagpipiktyur ng mga laro ng mga atleta ng Ilagan. Hindi ko nagawa yung artikulo ko kay Jeao kaya nagpahinga muna ako hanggang sa hindi na rin kinaya ng powers ko ang magsulat na naman.

Naalis ang mga presyur nang makita ko ang mga artikulo namin ni Albert na siyang laman ng Ilagan City Chronicles na binuo  ng mga kasamahan naming guro sa Ilagan City Division sa pamumuno ni Dr. Marietta R. Lozada, ang koordineytor ng Ingles at tagapayo namin. Nagbuhos sila ng lakas para makabuo ng isang isyu ng CaVRAA sa pamamagitan ni G. Jayson Balingao na taga-lay-out ng grupo namin.

Natanggal ang pagod ko nang makita ko ang finish product  namin na hard copy, ang pinagpaguran ng staff lalo na si Jayson na chat ng chat sa akin kahit hatinggabi na. 
Ngayon at tapos na ang CaVRAA ay tinatapos ko na ang artikulo kung paano kami nakabuo ng  aming blogsite na kami lang ni Albert ang may gawa. Sa mga ibang dibisyon na nanghihingi ng aming newsletter, pakibisita na lang ang aming teamilagan.blogspot.com. (MLCA)