Kung may naririnig tayong tinatawag na “partner’s in crime,” sa isinagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) ay may magpartnert not in crime kundi sa pagkuha ng mga larawan at pagkuha ng mga datos at paggawa ng mga artikulo para sa Ilagan City Division blog site. Nasa likod ng mga artikulo ang mga pangalang Albert at Malou na hindi nawalan ng pag-asa para magawa ang mga responsibilidad na nabanggit.
Sa unang araw ng pagreport ko sa Saguday, Quirino partikular sa Saguday Central School ay magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko dahil sa hindi ko alam kung ano talaga ang papel na gagampanan ko sa Dibisyon ng Lungsod ng Ilagan. Dati’y nasanay ako na kamera at konting sulat ang trabaho, na sa taong ito ay nakiramdam muna ako sa aking bagong asaynment.
Kasama ko si Sir Albert Calibo sa documentation Committee at ipinaliwanag sa akin na magdodocument ako sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan. Si G. Philip Rasdas naman ang nagtext na ipost sa aking facebook account at lagyan ng konting impormasyon at huwag kalilimutang ilagay ang hashtag na #WinIlaganCaVRAA2014.
Noong una’y parang nahihiya pa akong magtrabaho hanggang sa nasimulan at nagtuluy-tuloy na ang pagbibigay ng info sa aking fb account. Binanggit sa akin ni Sir Albert na gumagawa siya ng blogsite at doon na kami magsesend ng mga articles namin. Dahil sa high-tech ang kasama kong si Albert na may gadget na ipad at laging may load ang kanyang wifi, nagulat ako dahil madali ang pagsesend ng mga artikulo lalo na sa kanya. Habang nanonood kami ng laro ay nagtratrabaho na siya sa kanyang mga artikulo at magugulat ka na lang na nababasa na ng mga kaibigan namin ang mga artikulo at ang nakagugulat nito ay marami sa labas ng bansa ang nakababasa ng aming blog site.
Sasabihin kong hindi madali ang work ko kasi nagpipicture ako ng mga kaganapan sa CaVRAA tapos mag-iinterbyu pag uwi sa quarter namin. Hindi doon nagtatapos ang trabaho dahil pag uwi ko sa rum namin ay mag-uupload pa ako ng mga piktyur ko saka mag-eenkod na ng mag artikulo batay sa mga impormasyon na nakalap ko sa mga atletang kinapanayam ko.
Humihinto lang ako sa pagtitipa ng aking laptop pag masakit na ang ulo ko at magugulat na lang ako dahil alas dose na ng hating gabi. SI Albert naman ay nakahiga na at nakakulong na sa kanyang mahiwagang kulambo habang buhay na buhay ang kanyang ipad sa paggawa ng kanyang artikulo.
Makatulog man siya ay gigising at gigising para makagawa na naman ng panibagong isesend sa aming blogsite.
Ang nakatutuwa ay kapag nakikita niya ang bilang ng mga bumabasa sa aming mga artikulo sa blog namin at ipinakikita niya sa akin kung tagasaan ang mga mambabasa namin. Natuwa ako nang makita kong maliban sa mga mambabasa namin sa Pilipinas ay marami na kaming mambabasa sa labas ng bansa.
Lalo kaming ginanahan sa pagsusulat kaya’t kapag may artikulo kaming nagagawa, para kaming mga batang nagpapaligsahan at tinitingnan kung kaninong artikulo ang may pinakamaraming nagbasa sa araw na iyon. Natuwa naman ako nang ipinakita niyang yung artikulo kong “Bombay sa loob ng balibol kort” ang nag top views at hanggang sa araw na ito ay ‘yun pa rin ang may mataas na nabasang artikulo.
Nakatutuwang sa bilis tumakbo ng mga mananakbo ng Ilagan City ay mas mabilis pang magsend at magpost si Albert ng mga artikulo sa aming blogsite kaya napag-iwanan na ako sa dami ng mga artikulo dahil kagabi ay napagod ako sa maghapong pagkababad sa araw habang nagpipiktyur ng mga laro ng mga atleta ng Ilagan. Hindi ko nagawa yung artikulo ko kay Jeao kaya nagpahinga muna ako hanggang sa hindi na rin kinaya ng powers ko ang magsulat na naman.
Naalis ang mga presyur nang makita ko ang mga artikulo namin ni Albert na siyang laman ng Ilagan City Chronicles na binuo ng mga kasamahan naming guro sa Ilagan City Division sa pamumuno ni Dr. Marietta R. Lozada, ang koordineytor ng Ingles at tagapayo namin. Nagbuhos sila ng lakas para makabuo ng isang isyu ng CaVRAA sa pamamagitan ni G. Jayson Balingao na taga-lay-out ng grupo namin.
Natanggal ang pagod ko nang makita ko ang finish product namin na hard copy, ang pinagpaguran ng staff lalo na si Jayson na chat ng chat sa akin kahit hatinggabi na.
Ngayon at tapos na ang CaVRAA ay tinatapos ko na ang artikulo kung paano kami nakabuo ng aming blogsite na kami lang ni Albert ang may gawa. Sa mga ibang dibisyon na nanghihingi ng aming newsletter, pakibisita na lang ang aming teamilagan.blogspot.com. (MLCA)
No comments:
Post a Comment